SARAH

 


SARAH

 

 

1.    Ano ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon?

 

          Ang ibig sabihin ng migrasyon-disintegrasyon ay ang paggalaw ng tao galing sa kanyang lugar papunta sa kabilang lugar ito ay panloob na migrasyon o panlabas na migrasyon.

 

2.  Ilahad ang konsepto ni Sarah sa OFW? Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong pagpapakahulugan sa OFW?

 

          Ang konsepto ni Sarah sa OFW ay ang konsepto ng karamihan kung paano bigyan kahulugan ang salitang OFW. Nabuo niya ito dahil damang - dama niya ang pakiramdam na maulila o mailayo ang kanyang mahal sa buhay para lang mabigyan ng magandang pamumuhay kung ilagay ito sa aking sitwasyon damang - dama ko rin ang mga sinabi ni Sarah sa kwento.

3.  Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang myembro ng pamilya ayon kay Sarah.

 

          Ayon kay Sarah ito ang konsepto niya sa salitang “pamilya”. “Pamilya. Sama-sama, nagtutulungan, nagkaksundo. Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala ng pamilya. Nanay, Siya ang nag-aalaga. Sosyedad at Literatura 134 Ate. Siya ang dapat na sinusunod ng mga Kapatid. Kuya. Tulad ng sa ate. Bunso. Siya ang pinakamasunurin.”

 

4.  Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon.

 

          Sa madaling salita ang pamumuhay nila noong hindi pa nag abroad ang kanyang ina ay payak, kapag may tyaga may nilaga.

         

5.   Ano-ano ang iba‘t ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?

 

          Ang mga salik na nagtulak sa ina ni sara para mag-abroad ay ang kakulangan sa pera para sa pagtustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan at ang kanyang asawa ay walang permanenteng trabaho.

 

          Ang dahilan ng kakilala kong OFW bakit mas gusto niya magtrabaho sa labas ng bansa ay sa kadahilanang maliit na pasahod dito sa Pilipinas at di iyon kayang buhayin ang kanyang apat na anak dahil siya ay isang byuda.

 

6.  Paano nabago ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah sa sumusunod na aspekto nang umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ipaliwanag.

 

a. Aspektong Ekonomik

          Guminhawa ang kanilang buhay dahil malaking pera ang pinapadala ng kanilang ina para sa kanilang pamilya.

 

b. Aspektong Sosyal/Relasyonal

          Minsan nalilito siya paano gawin ang mga ginagawa ng kanyang ina sa loob ng tahanan. Di niya makontrol ang kanyang mga kapatid. Di na matibay ang relasyon.

 

          · Relasyon ng Magkakapatid sa isa‘t isa

                                Parang di magkapatid kung mag-away dahil nagkakasakitan na sa kadahilanan kulang sa gabay ng ina.

 

          · Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Tatay

                                Parang binabalewala ng mga anak ang kanilang ama dahil hindi na sila nahihiya mag-away sa kanyang harapan.

 

          · Relasyon ng Magkakapatid sa kanilang Nanay
                  
Mas okay sa kanila na wala ang kanilang ina sa kanilang bahay dahil walang may nagdidikta sa kanila.

 

c. Aspektong Emosyonal

          Naulila siya sa presensya ng kanyang ina dahil pakiramdam niya ay iniwan siya.

 

7.   Paano binago ng pangingibang-bansa ng kanyang ina ang pagkatao ni Sarah?

         

          Naging matatag si Sarah at ang responsibilidad ng kanyang ina ay responsibilidad niya na kagaya ng pagbibigay gabay sa kanyang mga kapatid.

8.  Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang-bansa para mapunan ang pangangailangan ng pamilya.

 

          Kung sakaling kailangan ng tulong may matatakbuhan ka na kaibigan, kasintahan at kaanak. Kung ikaw ay may problema mayroon kang masasandalan at mayroon makausap tuwing may problema.

 

9.  Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya ni Sarah? Iugnay ang sagot na ito sa buhay nila noong hindi pa nangingibang-bansa ang kanyang ina/nanay.

 

          Ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo ay tanda na nasa-bahay pa ang kanilang ina dahil di sila makapagluto nang ganitong klaseng pagkain kung wala ang kanilang ina at ang lasa ay kakaiba sa ibang luto.

 

10.                     Ano-ano ang nagsisilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina? Ipaliwanag.

         

          Ang coping mechanism ni Sarah ay ang kanyang kasintahan, sa tuwing nauulila siya nariyan ang kanyang kasintahan para sandalan siya sa oras ng kalungkutan.

 

 

 

 

 

 

11.                       Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga katangian ng binasang akdang ikinahusay nito. Ipaliwanag.

 

          Naging maganda ang kwento dahil totoong nangyayari ito sa may OFW na magulang at kung mabasa nila talagang makaka – relate sila sa istoryang ito at kahit ako na hindi OFW ang aking mga magulang madama ko ang lungkot batay na rin sa mga narinig kong kwento sa mga kaibigan ko.

 

MUNKAHING GAWAIN…

1.    Sa loob ng kasunod na kahon, bumuo ng concept map para sa akronim na OFW.

 

 

Comments